Posts

Showing posts from April, 2011

Youth Alive Camp 2011

Image
Ignite! Fan into Flame! Camp Verse: 2 Timothy 1:6 "For this reason I remind you to fan into flame the gift of God, which is in you through the laying on of my hands." Sa Isetann Recto- papuntang camp site sa kwarto namin,kararating pa lang. cj.kath.me room mates ko! babad sa init.i love this activity. Yes Lord! Our water baptism! the submerging moment! sarap ng feeling! I am born again!   With all the campers I will never forget this encounter! Go Torch Team! Kung ang Youth Alive Lord si Lord, we the Torch nag-aalab kay Lord! Thank you Father! Thank you so much!

Doubt your doubts

Love you Lord! Grabe po yung service kahapon, April 24, 2011. It was so intense! The power of the Holy Spirit was in the people, especially to me. I cried. I shed a lot of tears. Parang yung bigat na nararamdaman ko sumama dun sa mga luha ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganoon Lord! Salamat po talaga! Nakaka -inspire yung mga AVP na pinakita tungkol sa resurrection of Jesus Christ! Doon pa lang umiiyak na yung mga tao. Punong puno po yung auditorium and the good thing is Lord, hallelujah, ang daming nag-receive na mga tao! Masaya po ako sa service kahapon at hanggang ngayon dala dala ko pa din yung natutunan ko, at patuloy kong dadalhin hanggang madami akong matulungan na mga kaluluwa! Father, use me! Make me available to your word! I am praying that ECG will continue and never let any hindrances along the way stop me from doing your work. Give me patience Father! I need it and I know everything is in control. Do not let me worry on insignificant details. Keep me on fir...

PAGHANGA

Hindi ko pa kasi siya masyadong kilala. At tska ang pag-uusap namin hindi nakikita ang bawat isa. Sa tingin ko, mabait naman siyang tao. At may pagkakataon pa siyang mas maging mabuti. Sa mga nalalaman ko at nakikita ko tungkol sa kanya, isa siyang nawawalang kaluluwa . Kaya siguro ganito na lang ang aking nararamdaman para kanya. Sa totoo lang hindi naman ako kinikilig talaga. Kahit pa yun ang nakikita ng iilan sa mga ngiti at reaksiyon ko. Wala naman kasi akong habol na isang romantikong bagay mula sa kanya. Basta gusto ko lang siyang maging KAIBIGAN . Hindi KA-IBIGAN. Hahahahaha. Hala, bakit ko ba siya dito kinukwento? Siguro matagal na kasi nang huling magkaroon ako ng isang tunay na hinahangaan. Isang paghanga. Sana sa oras na magkausap na ang aming mga mata, sana magtagumpay ako sa kagustuhan ko na makilala ko siya. Marami akong gustong sabihin sa kanya, kahit mukha siyang masungit. Lalo pa at gusto ko din na sabay kaming magkikita sa Langit.