PAGHANGA

Hindi ko pa kasi siya masyadong kilala.
At tska ang pag-uusap namin hindi nakikita ang bawat isa.
Sa tingin ko, mabait naman siyang tao.
At may pagkakataon pa siyang mas maging mabuti.

Sa mga nalalaman ko at nakikita ko tungkol sa kanya,
isa siyang nawawalang kaluluwa.
Kaya siguro ganito na lang ang aking nararamdaman para kanya.

Sa totoo lang hindi naman ako kinikilig talaga.
Kahit pa yun ang nakikita ng iilan sa mga ngiti at reaksiyon ko.
Wala naman kasi akong habol na isang romantikong bagay mula sa kanya.
Basta gusto ko lang siyang maging KAIBIGAN. Hindi KA-IBIGAN.

Hahahahaha.
Hala, bakit ko ba siya dito kinukwento?
Siguro matagal na kasi nang huling magkaroon ako ng isang tunay na hinahangaan.
Isang paghanga.

Sana sa oras na magkausap na ang aming mga mata,
sana magtagumpay ako sa kagustuhan ko na makilala ko siya.
Marami akong gustong sabihin sa kanya, kahit mukha siyang masungit.
Lalo pa at gusto ko din na sabay kaming magkikita sa Langit.

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser