At Last

All Glory and Praises to God!

"But those who wait on the LORD shall renew their strength; They shall mount up with wings like eagles, They shall run and not be weary, They shall walk and not faint." -Isaiah 40:31

Napakasarap sa pakiramdam.

One year ago, umiyak ako ng todo but it was a silent cry when I did not saw my name on the list of passers of the 2011 October ECE Board exam. Masakit sobra, lalo na nung nalaman kong hindi rin ako kasama sa list of Conditional Examinees.

Haiy...

Fast forward.
One year later.

Last night, October 24, 2012 past 9pm, umiyak ako ng todo and it was a loud cry. Kasabay ng pagsigaw ng "Lord, salamat po! Woooh! Praise God". Ayan talaga yung sinigaw ko habang pumapalakpak ako sa kahibangan. Haha. It was because this time, I saw my name on the list of passers of the 2012 October ECE Board Exam. What made me happier is knowing that I am the only passer who bear the "Billones" surname. Sarap! Ako lang yun.

Actually una kong nakita yung list ng top ten, at lumundag ang puso ko sa galak ng nalaman kong isa rin siyang PUPian! Nakakatuwa. First time ng PUP ECE na makuha ang 1st place! Nakakataba ng puso.

Maraming salamat sa titulong Engineer na binigay Ninyo sa akin. Salamat po sa lisensya, Lord.
Alam ko na naguumpisa pa lang ako at marami pa kayong mas magandang plano sa akin. Gamitin niyo po ako sa ikalalago ng inyong kaharian.

Do not let me get weary on serving you. Lagi niyo pong i-refresh ang aking kadiwaan!

Marami pa akong prayers at ibig sabihin madami pang fasting, sacrifices and cries ang gagawin ko.

Hindi ako magsasawang mangarap sa inyo Panginoon. Dahil alam ko hindi ako nagsasayang ng panahon.

In Jesus Name. Amen.

Comments