TANONG
#Isinulat ko ang tula na ito noong October 11, 2007
Hindi ko matukoy ang ipinapahiwatig niya
Kung ito ba'y pamamaalam or bagong panimula
Sa hindi maintindihang palitan ng salita
Na aming binibitiwan, nakakapanghina
Hindi ko rin mawari kung bakit ganito
Sa kabila ng pananabik ay nanlalamig ako
Nais kitang makita ngunit hindi ko magawa
Makapag-usap tungkol sa maraming bagay ngunit di makapagsalita
Hindi ko masabi ang nais kong sabihin sa iyo
Dahil reaksyon mo ang kinakatakutan ko
Malamang hindi na naman tayo uusad muli
Kaya tatahimik na lang at maghihintay ng tamang sandali
Wala pa rin tayong nararating hanggang dito
Mistulang walang katapusan ang ating paguumpisa
Dahil siguro nagkulang din ako ng sobra
P.S. Alaala ng isang nakakakilig na love story.

Comments
Post a Comment