Trenta


Sumulat ulit ako ng tula para sa iyo ngayon
Isang tula para sa espesyal na okasyon
Dahil lubos lubos ang aking kasiyahan
Ako ay susulat ng may kalayaan

Tingnan mo kung nasaan na ako
Sana nakikita mo
Tatlumpung taon na ang narating ko
Di ko akalain aabot ako dito
Na hindi ikaw ang kasama ko

Halos apat na taon ka nang wala dito sa bahay
Ang tahimik, nakakabingi, nakakaumay
Ika-apat na beses na kaarawan ko nang wala ka
At kahit papaano, salamat dahil nasanay na

Di ko maipaliwanag ang gusto kong sabihin
Nadarama ko ay iba't iba, kay hirap kulungin
Basta ang alam ko, ay iba sana ang takbo ng araw ngayon
Kung sa paggising ko ay makakasama kita sa buong maghapon

Wala ka man paggising ko kaninang umaga
Wala ka man ngayon para batiin ako ng 'Happy Birthday, May'
Wala ka din ngayon para asarin ako bakit hindi pa din ako nag-aasawa
-buntong hininga-
Pero sana
Pero sana talaga
Sana nandito ka


sa aking study table, 05/17/2020
natapos ng 08:00AM

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Kunwari

Lapis and Eraser