Nano Beach Escapade
March
25-26,2017
With my brothers, Cris, Louie & Ephraim.
Ang ganda sa Nano Beach.
Sobrang chilllang yung ginawa namin dito. Dumating kami alas-12 ng tanghali... Nagtayo kami ng tent sa ilalim ng puno. Ayun kwentuhan, tsimisan at maraming tawanan. Sobrang walang kwenta yung pinagtatawanan namin pero ang saya. Si Cris ba naman kasama mo eh.
Bandang 4:30pm saka kami lumusong sa napakababaw na dagat. Grabe!!! Ang babaw, mga nakaka 300 hakbang na kami pero hanggang tuhod pa din yunh tubig. Hahaha!!! Kaya ayun sinalubong na lang namin yung mga alon. Tapos sabado ng gabi bago matulog nag LG kami. Tapos tawanan, kwentuhan at tsismisan ulit. Yung katabi namin mga turista ay mga Indonesian kaya nosebleed. Pero binigyan naman nila kami na mainit na tubig para pantimpla namin sa Swiss Miss dark choco na baon ni Louie. Oo nga pala, sa 2 araw na pag-tambay namin doon tasty bread at sardinas lang ang kinain namin. Imba.
Pagkatapos, Linggo ng umaga... tambay mode ulit. 11am kasi susunduin na kami. Tapos LG ulit ng bandang 9:30am. Ang saya, those moments with these 3 guys are priceless lalo na yung fellowship namin. Sobrang astig sa pakiramdam habang nagLLG kayo background niyo yung tunog at hampas ng alon habang sumasampal ito sa buhangin. Tapos yung dampi ng araw sa mgsa dahon ng sumisilong sa amin....ibang klase. Mas gugustuhin ko tumambay dito kaysa ilibre mo pa ako papuntang Boracay or Puerto Galera na punong puno na ng tao.
Napakasimple lang ng Nano beach. Kumapara sa mga sikat na beach dito sa Pilipinas, wala syang sinabi. Pero kung hanap mo ang relax na paligid, perfect spot sya lalo na kung gusto mo talagang maencounter si Lord.
Sigurado,babalik ako sa Nano Beach.


Comments
Post a Comment