Posts

Showing posts from May, 2017

I survive Mt. Ulap

I Survive Mt. Ulap Alas 9 ng umaga. Yan ang oras na napag-planuhan namin umakyat pero nasa transient house pa din kami ng alas 8 ng umaga. Araw ng Linggo, ika-28 ng Mayo 2017. Malamig at bakas pa sa kalsada ng Session Road ang ilang oras ng buhos ng ulan sa lumipas ng magdamag. Kasama ko ang tatlong bagong kaibigan- Bengbeng, Marie at Netnet, nagdesisyon kaming pumunta na sa Brgy. Ampucao sa Benguet para magtanong kung pwde pa kaming humabol sa overnight camping sa Mt. Ulap. Humigit kumulang isang oras na byahe sa jeep mula Baguio patungong Brgy. Ampucao. Kaya humigit kumulang isang oras na tawanan, kwentuhan at paputol putol na tulog din ang ginawa namin sa byahe. .... .... .... habang nasa byahe... Ang ganda ng mga tanawin. Kahit ilang beses na akong nakakita ng bundok, iba pa rin yung pakiramdam kapag first time mo sa isang lugar. Iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam ng first time. Alam mo yan. At sa wakas narating din namin ang barangay hall. Ang kaunti na ng tao. ...

Kailangan Ko Nang Masanay Na Wala Ka Na

Medyo late. Pero ayos lang. Babatiin pa din kita ng "Maligayang Araw ng Mga Ina" Wala ka man dito, nakakapanghinayang. Pero ayos lang. Miss ka na namin. Hanggang ngayon sariwa pa ang alaala ng huli nating paguusap. Bago mo kami tuluyang iwan. Buti na lang, hindi tayo nag-away ng gabi na yun. Pinaka namimiss ko sa lahat... Teka lang ang dami kasi nating masasayang alala. Pero siguro pinaka namimiss ko yung... Paglagay mo ng pulbos at pagpunas mo ng pawis sa likod ko kapag bago ako aalis sa bahay para pumasok. Tapos yung pagtawag mo sa pangalan ko... Grabe miss na miss ko na yun. Kaso di ko na ulit maririnig yung boses mo. Unang kaarawan ko na wala ka. Wala tuloy nagluto ng pansit ko. Kailangan ko nang masanay kasi sa susunod na birthday ko at sa susunod na taon at sa mga susunod na taon wala ka din. Ganun talaga kasi wala ka na. Kailangan ko nang masanay na wala ka. P.S. Tula na alay ko sa aking yumaong ina.