Kailangan Ko Nang Masanay Na Wala Ka Na
Medyo late.
Pero ayos lang.
Babatiin pa din kita ng
"Maligayang Araw ng Mga Ina"
Wala ka man dito, nakakapanghinayang.
Pero ayos lang.
Miss ka na namin.
Hanggang ngayon sariwa pa ang alaala ng huli nating paguusap.
Bago mo kami tuluyang iwan.
Buti na lang, hindi tayo nag-away ng gabi na yun.
Pinaka namimiss ko sa lahat...
Teka lang ang dami kasi nating masasayang alala.
Pero siguro pinaka namimiss ko yung...
Paglagay mo ng pulbos at pagpunas mo ng pawis sa likod ko kapag bago ako aalis sa bahay para pumasok.
Tapos yung pagtawag mo sa pangalan ko... Grabe miss na miss ko na yun.
Kaso di ko na ulit maririnig yung boses mo.
Unang kaarawan ko na wala ka.
Wala tuloy nagluto ng pansit ko.
Kailangan ko nang masanay kasi sa susunod na birthday ko at sa susunod na taon at sa mga susunod na taon wala ka din.
Ganun talaga kasi wala ka na.
Kailangan ko nang masanay na wala ka.
P.S. Tula na alay ko sa aking yumaong ina.
Comments
Post a Comment