I survive Mt. Ulap

I Survive Mt. Ulap

Alas 9 ng umaga.

Yan ang oras na napag-planuhan namin umakyat pero nasa transient house pa din kami ng alas 8 ng umaga.
Araw ng Linggo, ika-28 ng Mayo 2017. Malamig at bakas pa sa kalsada ng Session Road ang ilang oras ng buhos ng ulan sa lumipas ng magdamag. Kasama ko ang tatlong bagong kaibigan- Bengbeng, Marie at Netnet, nagdesisyon kaming pumunta na sa Brgy. Ampucao sa Benguet para magtanong kung pwde pa kaming humabol sa overnight camping sa Mt. Ulap. Humigit kumulang isang oras na byahe sa jeep mula Baguio patungong Brgy. Ampucao. Kaya humigit kumulang isang oras na tawanan, kwentuhan at paputol putol na tulog din ang ginawa namin sa byahe.

....
....
....

habang nasa byahe...

Ang ganda ng mga tanawin. Kahit ilang beses na akong nakakita ng bundok, iba pa rin yung pakiramdam kapag first time mo sa isang lugar. Iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam ng first time. Alam mo yan.

At sa wakas narating din namin ang barangay hall. Ang kaunti na ng tao. Haha. Kaya medyo kinabahan kami, kasi baka nag cut off na sila sa registration ng mga hikers. Pero, praise God, pwde pa daw. Dahil dumating kami mga bandang 10:30 ng umaga, sabi nila alas- dos ng hapon ang cut off nila kaya meron pa kaming dalawat kalahating oras para kunin ang mga gamit sa transient house.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, wala kaming dalang gamit para sa hike, iniwan namin lahat sa Baguio kasi nag-bakasakali lang naman kami at hindi namin expected na papayagan pa kami magcamping dahil anong petsa na!

Fast forward.

01:45 ng hapon.
Pagkatapos ng team prayer kasama ang tour guide namin na si Kuya Ton-Ton, lumakad na kami patungo sa Mt. Ulap. Ayun, assault agad. Hahaha. Sementado pa kaya halos maligo kami agad sa pawis. Sa parteng ito, hindi na ako makapag-isip pa ng mga salita para i-describe yung adventure namin. Basta sabi ni Kuya Ton-Ton, 5-6 na oras bago marating ang summit. Kaya lakad na lang kami ng lakad. Ang sarap ng trail- kasi bukod sa malamig, first time namin apat ng maka-experience ng fog habang naglalakad. Madali lang ang Mt. Ulap, for beginners nga lang daw ito eh. At totoo naman, siguro nagpadagdag lang sa thrill ay ang malakas na ulan. Oo, umuulan at naka-sleeveless lang ako. Silang tatlo naka-jacket, si kuya Ton-Ton naka tshirt,pero ako sleeveless. Ito siguro yung masasabi kong plus one achievement-that I survive Mt. Ulap wearing sleeveless.

Alas 6 na ng hapon, madilim na at umuulan pa din. Dito na nagsimula yung pagbagal ng lakad namin. Pero tuloy tuloy lang. Kasabay ng walang tigil na buhos ng ulan, hindi rin kami kumihinto sa paghakbang. Hanggang sa sinabi ng tour guide namin, 20 minutes na lang, bigla kong naramdaman lahat ng pagod at sakit ng mga binti ko. Sa wakas, malapit na kaming tumigil. Hakbang, hakbang, hakbang. Mabigat na hakbang sa maputik na daan. Dahan dahan lang dahil ayokong madulas at matumba. Dahil sabi ni kuya Ton-Ton, bangin daw yung nasa gilid na namin. Tumingin lang kami sa paa ng nasa harap namin...huwag kang lilingon sa kaliwa kasi...

Pero lumingon pa din ako. Wala akong suot na salamin kaya ang hirap sa gabi maglakad. Halos wala na akong makita. Kaya malakas ang loob kong lumingon. Kadiliman. Yun ang nakita ko. Naaaninag ko ang sayaw ng mga puno dahil sa lakas ng hangin pero sobrang dilim talaga. Iniisip ko tuloy, kung may biglang tumulak sa akin o nadulas ako, may makakakita pa kaya sa akin sa ibaba. Nevermind.

At pagpatak ng 8:30 ng gabi,narating din namin ang finish line. Dahil gabi na, dumiretso agad kami sa camping site. Bukas ng umaga na lang daw kami umakyat sa summit. Kinabukasan, 04:58 ng umaga ginising na kami ni Net-net. Pero nagdesisyon siya ng huwag nang sumama sa summit. Ewan ko sa kanya kung bakit. Kaya kaming tatlo kasabay si kuya Ton-Ton, ang umakyat. Wooh!!!

Ang sarap sa taas. Sobrang ganda!!! Sobrang galing talaga ni Lord!!!
Wala na akong masabi kundi Praise God, salamat po at natapos namin.

Natapos namin. Pero hindi ito natatapos sa Mt. Ulap. Madami pang susunod. This is my second climb and the best trail so far. It felt so great. Amidst the rain and the storm, we made it.

And its all because of the strength of my life- Jesus.

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser