Minsan

Noong una ako ay puno ng pagdududa
Noong simula ay ayoko pa talaga
Noong una ay sobrang dami kong tanong
Noong simula ay nakakapagtaka

Subalit tinuloy ko at ako ay humakbang
Minsan kasi kailangan ko din subukan
At nang dumating ang kaligayahan
Minsan pala ay kay sarap ding maramdaman

Kaya eto, ang minsan ay napapadalas na
Halos araw araw na kitang kasama
Medyo kinakabahan dahil baka ikaw ay magsawa
Pero tuloy tuloy lang, tuloy tuloy lang

Sa susunod na kabanata ng ating kwento
Sana minsan naman tumigil ang mundo
Sana oras ay huminto kahit ilang segundo
Total minsan lang naman lahat ng ito

Isinulat ko ang tula na ito noong December 24, 2017

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser