ANG MGA WALANG KUPAS NA PAYO NG ISANG INA

ANG MGA WALANG KUPAS NA PAYO NG ISANG INA

Dahil araw mo ngayon at buong mundo ay nagdidiwang dahil sa kadakilaan ng isang tulad mo, para sayo ito, Ma. Kahit wala ka na dito, okay lang. Alam ko naman hindi mo na ito mababasa pero yung mga taong buhay pa yung nanay nila, baka sakaling may mapulot silang aral dito.

Bago ko simulan, gusto ko lang sabihin na miss na miss na kita. Sobra. Totoo talaga na malalaman mo lang yung tunay na halaga ng isang tao o bagay kapag nawala ito sayo. At mas lalo mong malalaman anong halaga niya kapag nawala na sya ng tuluyan at di na babalik pa. Nung nakaraang taon, gumawa ako ng tula para sayo sa araw ng kaarawan ko. Apat na araw na lang, birthday ko na naman ulit. Balak ko sana na ipost ito sa birthday ko pero gusto ko na tapusin at ipost ngayon. Di ako mapakali kanina pang umaga, dahil inaalala ko lahat ng payo mo sa akin noong nabubuhay ka pa. Mga payo mo na walang kupas, panes kung panes hahaha.

Ayun na nga.
Sabi mo, “Ikaw, siguraduhin mong pinipili mo mga kaibigan mo ha.”
Noong mga panahong madalas wala ako sa bahay at kasama lagi ang barkada, “Ano May? Ganyan ka na lang lagi. Kailan ka tutulong dito sa bahay?”

Noong nagpapaalam ako sayo kung sasagutin ko na ba yung nanliligaw sa akin tapos alam kong hindi mo sya gusto, sabi mo “Ay naku May. Hindi lang siya ang nag-iisang lalake sa mundo. Madami pang iba dyan at hindi ka mauubusan.” At sinunod naman kita.

Madalas mo din sinasabi “Lagi mong iligpit yung hinigaan mo bago ka maglakwatsa”

Ikaw din ang isa sa mga taong nagduda ng aking pagkababae noong kakaenroll ko pa lang sa Peyupi, hahaha. Imba talaga ito. “Tomboy ka ba? Puro babae kinukwneto sa akin eh.” Akala mo na wala akong klasmeyt na lalaki noon. Hahaha.

Nung nagsimula na akong magtrabaho at kumita, sabi mo sa akin “Mag-ipon ka ha. Huwag puro luho. Para darating yung araw, may nakatabi ka sa oras ng pangangailangan.”

“Hindi ka ba nahihirapan dyan sa trabaho mo?” Kapag napapadalas late na uwi ko noon. “Kasi kung pagod ka na edi umalis ka na. Magpahinga ka muna tapos hanap na lang ulit. “

At dahil, ilang taon na lang mawawala na sa kalendaryo ang edad ko madalas mo na akong bigyan ng advice tungkol sa Adulting 101. Hahaha. Eto talaga yung mga namimiss kong mga payo mo kasi mas lalo tayong naging malapit habang tumatanda ako. Kaya siguro kahit noong 20 yrs old pa lang ako, napaka-mature ko na magisip kasi sinusunod ko talaga mga payo mo. Kahit hindi lahat naman, hehe, pero nakikinig ako sayo.

“Kapag pipili ka ng asawa dapat yung mayaman. Yung mas malaki yung kita sayo para hindi ka magutom at di ka na magtrabaho.”
“Bilis bilisan mo na ang paghahanap ng asawa dahil tumatanda na kami. Gusto ko na nang mga apo.”
“Basta mahal ka at mamahalin din kami, okay na yun”

Sayang, di mo sya makikilala Mama. Hehe. Kung sino man siya na mapapakasalan ko. I can’t imagine your reaction if you are alive right now and I introduce my soon to be husband to you.

Simula ng nawala ka, ang dami nang nangyari sa buhay ko na hindi mo nalaman. Kung buhay ka pa, ikaw talaga yung una kong kkwentuhan at sasabihan ng mga iyon. Tulad ng ginagawa ko ng nabubuhay ka pa, sinasabi ko sayo lahat. Nakakamiss yung kwentuhan natin habang nasa tindahan tayo at naghihintay ng customer. Nakakamiss yung pagbunot ko sayo ng uban habang nakahiga ka at nanonood ka ng tv. Nakakamiss yung pagbili natin ng mga paninda sa tindahan sa grocery store. Nakakamiss yung gabi gabi na nagpprepare ka ng baon ko para sa trabaho. Yung gabi gabi, nakaready na yung dinner ko bago ako pumasok. Nakakamiss yung sigaw mo, yung sermon mo sa amin. Yung naglalaba tayo tuwing weekend. Yung ginigising mo ako ng paulit ulit hanggang sa isigaw mo na yung pangalan ko ng padabog kasi napapaos ka na hindi pa din ako bumabangon. Yung kapag nagtatanong ako sayo kung paano magluto ng adobo, kahit ilang beses mo nang tinuro yun sa akin. Dahil wala akong talento sa kusina at pagluluto, ramdam ko na masaya ka noon kapag ako na yung nagvvolunteer magluto- napaka tyaga mong magbigay ng instructions sa akin kahit ilang beses ko nang naluto yung mga ulam na yun. “Paano na lang kapag wala na ako, kawawa lang kayo. Magugutom lang kayo kasi ikaw na babae dito hindi pa marunong magluto.” Oo nga, narealize ko na nakakahiya talaga hahaha.  

Ayun, Ma. Salamat ulit sa mga payo mo. It is all classic and priceless. Di ko na yan malilimutan hanggang sa maging nanay na din ako. Yang mga payo na yan ang isa sa mga dahilan kung bakit lumaki akong isang matatag na babae. I will always thank the Lord for giving me a mother like you.
Salamat sa lahat.

Minamahal kang tunay,

May

Isinulat ko noong May 14, 2018

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser