Kunwari
07.29.2019
Nakakapagod.
Hindi na ito mabuti para sa atin
Nakakahingal
Hindi mo na ako mahabol
Hindi na rin kita maabot
Dahil ang layo na natin sa isa't-isa
Ang layo na rin ng puso mo mula sa tibok ng puso koKahit bilisan ko ang hakbang ko
Kahit bilisan ko pa ang takbo ko
Malabo na tayong magtagpo
Baka hanggang dito na lang talaga
Kailangan itigil naAyoko na rin umulan pa
Basang basa na ang aking mukha
Paulit ulit na lang din tayo
At wala na yatang katapusan ang gulo sa isip koPero sa totoo lang
Kunwari lang naman lahat ng ito
Kunwari na ayoko na
Kunwari na suko na akoDahil sa totoo lang
Gusto ko pa
Nasi ko pang subukan muli
Isang pagkakataon pang muli
Tatawa kasama kang muli
Mangangarap kasama kang muli
Dahil sa totoo lang
Mahal na mahal pa rin kita
Nice ðŸ˜
ReplyDeleteSalamat my pang my day nako may
DeleteSalamat sa pagbasa ng aking tula. Please feel free to share and dont forget copyright.
ReplyDelete