A Poem: Paalam

Kamusta? Ilan taon

Din tayong hindi

Man lamang nagkikita

Naaalala mo pa ba?

Yung araw bago mo

Ako sabihan ng salitang

Ayaw na ayaw ko nang

Marinig…

“Paalam”

Pasensya na, mahal pa rin kita

Mahirap labanan at

Kita mo sa aking mga mata

Dala-dala ko pa din ang

Hapdi at sakit na dulot mo

At ang kasiyahan at ngiting

Iniwan mo…dito

Uulitin ko, ‘di mo pa rin

Ako sinasagot… “Kamusta?”

Marahil ayaw mo rin itong sagutin


Basta…


Lagi akong naghihintay

Hindi lang sa tanong na yon

Kundi pati na rin sa’yo

Nawawalan na rin ako ng pag-asa

Napapagod dahil wala ka

Din kwenta…

Walang kasiguraduhan ang

Aking hinihintay

Ngunit sa daluyong na aking hihipan

Damdamin mo sana’y makaramdam

Bumalik ka

sana

sa unang araw

Na ikaw rin ang unang nagsimula,

At unang nagsabi ng

“Kamusta? Alam mo bang mahal kita”


…Paalam…



Note: Sinulat ko ang tulang ito habang nasa room W515 ako. Wala pa kasi si Prof. Anal. Geom kaya nagulantang na lang ako sumusulat na pala ang kaliwang kamay ko ng tula. Hindi ko na rin siya pinigilan kasi title pa lang…alam kong pangit na ang kalalabasan. Kaya magustuhan niyo sana.

.

Originally: This entry was posted on Monday, May 14th, 2007 at 2:14 am.

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser