Salt and Orlov EQUALS Bj and Enjay
Written by: Liza May Billones
Dedicated to: his friend, Enjay Joaquin
Taong 2006 silang dalawa ay nagkakilala
Ngunit samahan nila ay hindi agad ganoon kasigla
Parehas magkaiba ang kanilang mga trip sa buhay
Maging katauhan nila ay magkasalungat na tunay
Si Liza May Billones ay si Bj, at si May at ang pinakabago, si Evelyn Salt
Si Enjay Joaquin ay si Jay, at si Nj at ang pinakabago, si Orlov
Malimit noon sila ay magsama
Ngunit ngayon kulang na lang ay ikasal na sila
Parehas na sila ngayong officers ng ECESS
Isang organisasyong hindi nila alam kung bakit nila pinasok
Ramdam ni Salt ang pagka-alat ng kanyang emosyon
Dahil siya ay pagod na at napipilitan na lang sa kanyang posisyon
Si Orlov naman ay mahilig sa pagdo-dota
Minsan ay hindi na nagdu-duty, sinasayang kanyang pera
Masyadong mabilis ang mga pangyayari
Kung paano sila naging malapit ng ganoon kadali
Bagamat magkaiba kanilang mga pananaw sa buhay
Ang mga misyon nabuo nila ang nagtatali sa kanilang samahang taglay
Masaya sila kapag sila ay magkasama, maraming misyon at kalokohan ang gumagagana
Si Orlov ay unti unting nahuhulog kay Salt…
Si Salt ay unti unting nandidiri kay Orlov…
(sipol…)
Subalit hindi ito ang katapusan
Dahil naniniwala silang marami pang kahahantungan
Mga pagkain na kanilang pinagsaluhan
Mga misyong kanilang isasakatuparan
Mga babaeng pinapantasya nilang dalawa
Mga lalakeng pinapangarap nila
Mga batang may ice cream sa bunganga na kanilang pinagtatawanan
Mga sikretong sila lang dalawa ang nakakaalam
Siguro sila na nga ang itinadhana
Isang masaklap na tadhana
Bj and Enjay, dalawang timang na walang magawa
Kundi ang gumawa ng mga bagay na wala naman silang mapapala.
P.S.
Finished at exactly 12:12 am, September 07, 2010 at my bed.
Comments
Post a Comment