TRIANGLE

By: Liza May Billones
Dedicated to: her comrades, Patrick Rivera and Kevin Gil Saavedra

Ang paggawa ng isang tula para sa mga taong espesyal
Ay nangangailangan ng ilang oras at mga salitang mapagmahal
Kaya sa tulang ito na inyong babasahin
Ang mga ngiti at pasasalamat ninyo ay sapat nang bayad sa akin
Ito ay marapat na tawaging kwento kaysa makilala na isang tula
Dahil aking isasalaysay dito ay gamit ang aking buong diwa
Nais ko lamang gumamit ng mga salitang magkakatugma
Pagkat aking nararamdaman sa dalawang tao na ito ay isang talinhaga

Ang una ay si Kevin Gil Saavedra, isang payak na nilalang sa langit nagmula
“Kevs” ang nakasanayan kong itawag sa kanya
Siya na siguro ang pinaka-malapit ko sa lahat ng lalaking kamag-aral ko
Ilan sa mga dahilan:
Lagi ko kasi siyang nakakasabay umuwi
Madalas din siya ang kinukwentuhan ko ng mga bagay na dapat sa babae ko lang ikinukwento
Hindi na ako naiilang kapag siya ay kasama ko
At pakiramdam ko panatag at ligtas ako kapag kasama ko siya
[Ngumingiti yan si Kevs…]
Si Kevs para sa aming mga kaklase ay isang hari, maharlika kung ituring
Kaya ito ang dahilan kung bakit siya sa amin ay asar at naprapraning
Ang aking puso para kay Kevs ay walang katulad
Dahil alam kong isip naming ay magkadaum-palad
Minsan nga lang ako’y nangangamba
Dahil tunay na hanap ni Kevs ay hindi si Bj, tama diba?
Datapwat, aking paghanga kay Kevs ay hindi kukupas
Kahit pa lumamig ang side dish order namin na sopas
Si Kevs ay si Kevs wala nang iba pa
Wala nang magcocomment, walang kokontra

Tayo naman ay dumako sa pangalawa
Siya si Patrick Rivera, na sa langit din nagmula
“Pat” ang madalas kong itawag sa kanya
Siya na siguro ang pinaka-enjoy kong kakwentuha na lalaki sa klase
Ilan sa mga dahilan:
Masyado kasing malaman ang kanyang utak sa mga bagay na nakakapagpangiti sa akin
Bukod sa parehas kaming marunong mag-gitara, hilig din naming pareho ang pagsasayaw at pag-arte [theater arts]
Hindi na din ako naiilang kapag kasama ko siya
At pakiramdam ko humihinto ang oras kapag magkasama kaming dalawa
[Ngumingiti na yan si Pat…]
Si Pat para sa aming mga kaklase ay tunay na masayahing tao
Kaya kanyang mga kaibigan ay samu’t-sari at halo-halo
Ang puso ko para kay Pat ay hindi mapapantayan
Kaya aming tawanan at palitan ng tingin ay isang kayamanan
Minsan nga lang ako’y nalulumbay
Dahil alam kong puso ni Pat ay hindi kay Bj na tunay
Ganunpaman, aking paghanga kay Pat ay hindi matatapos
Kahit Parokya ni Edgar na aking paborito ay tuluyan pang malaos
Si Pat ay si Pat, nag-iisa lamang siya
Wala nang hahadlang, wag nang umeksena
Ngayong pagpapakilala ko sa kanila ay tapos na
Nais kong dumako sa pag-big kong dakila
Pag-ibig nga ba itong maituturing
O isang ilusyon at imposibleng hiling?
Ako’y naguguluhan kung sino sa dalawa ang aking pipiliin at dadakilain
Upang nararamdam kong itinatago ay hindi na maging isang lihim

[buntong hininga…]

Si Pat at si Kevs ay magkaibang tao
Sa maraming bagay magkasalungat pareho
Sa maraming bagay magkasundo din minsan
Kaya isip at puso ko ay sadyang naguguluhan
Kapag kaming tatlo ay magkasama
Hindi mapantayan ang tuwang nadarama
Ngunit kapag silang dalawa ay may ibang kasama
Parang madudurog ako sa gitna ng mapa

Si Kevs ay mahilg din pala sa pusa
At si Pat naman sa aso natutuwa
May oras si Kevs ay sinusumpong din ng pagka-pikon at sa kanya ako ay parang hangin
May tagpong si Pat naman ang wala sa mood lumingon kapag akong tumitingin
Subalit ang magalit at magtampo ay wala sa aking bokabularyo
Lalo na sa dalawang taong binabanggit ko dito


Kalikasan ako ay iyong tulungan
Tinatawag kita sana ako’y saglit na pakinggan
Bahaghari ikaw ay magpakita
At sabihin sa akin tunay na kulay ng aking pagsinta
Hangin ipadama mo sa akin
Pantay na paghatol sa puso kong nabibitin
At higit sa lahat, Apoy ako ay iyong sunugin
Para kalokohan kong ito ay matapos na rin

Torn between two lovers
Living like a freak…

Sana dalawa ang puso ko
Di na sana pipili pa kung sino sa inyo…

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang patulang kwento na ito
Lalo pa ang magdesisyon kung sino sa inyo
Ang akin lamang nais sabihin
Si Pat at si Kevs
Si Kevs at si Pat
Ay mga tunay na biyaya ng Diyos sa akin.

Finished at exactly: 11:35 pm while sitting here in my bed

Comments

Popular posts from this blog

Trenta

Kunwari

Lapis and Eraser