Posts

Showing posts from 2017

KWENTUHAN

Magtatanong ka Sasagot ako Magtatanong ako At sasagot ka Madami na akong nalaman, madaming natutunan Kahit parang paulit ulit lang ang ating sinasabi Bakit parang may bago at kakaibang nangyayari Hanggang sa tumahimik tayong dalawa Hanggang sa magpaalam sa atin ang isa Hanggang sa maramdaman natin na tapos na Hanggang sa oras na kailangan itigil na Ang bilis ng oras, umaga na pala Umaga na pala pero bakit parang kulang pa Sa dinami-dami ng ating napagusapan Bakit parang wala doon ang nais kong malaman? P.S. Hanggang sa susunond na kwentuhan, kaibigan. Isinulat ko ito ang tula na ito ngayong gabi, 10.22.2017.

TANONG

#Isinulat ko ang tula na ito noong October 11, 2007 Hindi ko matukoy ang ipinapahiwatig niya Kung ito ba'y pamamaalam or bagong panimula Sa hindi maintindihang palitan ng salita Na aming binibitiwan, nakakapanghina Hindi ko rin mawari kung bakit ganito Sa kabila ng pananabik ay nanlalamig ako Nais kitang makita ngunit hindi ko magawa Makapag-usap tungkol sa maraming bagay ngunit di makapagsalita Hindi ko masabi ang nais kong sabihin sa iyo Dahil reaksyon mo ang kinakatakutan ko Malamang hindi na naman tayo uusad muli Kaya tatahimik na lang at maghihintay ng tamang sandali Wala pa rin tayong nararating hanggang dito Mistulang walang katapusan ang ating paguumpisa Dahil siguro nagkulang din ako ng sobra P.S. Alaala ng isang nakakakilig na love story.

I survive Mt. Ulap

I Survive Mt. Ulap Alas 9 ng umaga. Yan ang oras na napag-planuhan namin umakyat pero nasa transient house pa din kami ng alas 8 ng umaga. Araw ng Linggo, ika-28 ng Mayo 2017. Malamig at bakas pa sa kalsada ng Session Road ang ilang oras ng buhos ng ulan sa lumipas ng magdamag. Kasama ko ang tatlong bagong kaibigan- Bengbeng, Marie at Netnet, nagdesisyon kaming pumunta na sa Brgy. Ampucao sa Benguet para magtanong kung pwde pa kaming humabol sa overnight camping sa Mt. Ulap. Humigit kumulang isang oras na byahe sa jeep mula Baguio patungong Brgy. Ampucao. Kaya humigit kumulang isang oras na tawanan, kwentuhan at paputol putol na tulog din ang ginawa namin sa byahe. .... .... .... habang nasa byahe... Ang ganda ng mga tanawin. Kahit ilang beses na akong nakakita ng bundok, iba pa rin yung pakiramdam kapag first time mo sa isang lugar. Iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam ng first time. Alam mo yan. At sa wakas narating din namin ang barangay hall. Ang kaunti na ng tao. ...

Kailangan Ko Nang Masanay Na Wala Ka Na

Medyo late. Pero ayos lang. Babatiin pa din kita ng "Maligayang Araw ng Mga Ina" Wala ka man dito, nakakapanghinayang. Pero ayos lang. Miss ka na namin. Hanggang ngayon sariwa pa ang alaala ng huli nating paguusap. Bago mo kami tuluyang iwan. Buti na lang, hindi tayo nag-away ng gabi na yun. Pinaka namimiss ko sa lahat... Teka lang ang dami kasi nating masasayang alala. Pero siguro pinaka namimiss ko yung... Paglagay mo ng pulbos at pagpunas mo ng pawis sa likod ko kapag bago ako aalis sa bahay para pumasok. Tapos yung pagtawag mo sa pangalan ko... Grabe miss na miss ko na yun. Kaso di ko na ulit maririnig yung boses mo. Unang kaarawan ko na wala ka. Wala tuloy nagluto ng pansit ko. Kailangan ko nang masanay kasi sa susunod na birthday ko at sa susunod na taon at sa mga susunod na taon wala ka din. Ganun talaga kasi wala ka na. Kailangan ko nang masanay na wala ka. P.S. Tula na alay ko sa aking yumaong ina.

EQUATION FOR THE SEASON

Equation for the season H + W = YPM Holy Week is YP Mission, And YP Mission is Holy Week. Therefore, its harvest time again!!!!Yahooo!!!😂 And this time, its going to be this April 09-15. 😚😍😋 Holy week is approaching, which means YP is in the move again. Holy week is automatically equivalent to "YP Mission na naman!!! 😂 😁 ☺️ " So I am excited for our ministry mission this year. Looking forward for new revelations & soul harvest. Although, for the first time, Ptr Joel Gonzalez is not going to be with us anymore... We are bless to be with each other's company that continues to be mold by everyday's challenges & strengthed glory to glory. I am so excited this month because we are going to an island in Masbete. And its my first time to be there. Woooh! They said we will be riding the RoRo and its also my first time to ride that. Well, a lot of first times, huh. Anyway, it is really challenging this year because we are doing this mission withou...

Nano Beach Escapade

Image
March 25-26,2017 With my brothers, Cris, Louie & Ephraim. Ang ganda sa Nano Beach. Sobrang chilllang yung ginawa namin dito. Dumating kami alas-12 ng tanghali... Nagtayo kami ng tent sa ilalim ng puno. Ayun kwentuhan, tsimisan at maraming tawanan. Sobrang walang kwenta yung pinagtatawanan namin pero ang saya. Si Cris ba naman kasama mo eh. Bandang 4:30pm saka kami lumusong sa napakababaw na dagat. Grabe!!! Ang babaw, mga nakaka 300 hakbang na kami pero hanggang tuhod pa din yunh tubig. Hahaha!!! Kaya ayun sinalubong na lang namin yung mga alon. Tapos sabado ng gabi bago matulog nag LG kami. Tapos tawanan, kwentuhan at tsismisan ulit. Yung katabi namin mga turista ay mga Indonesian kaya nosebleed. Pero binigyan naman nila kami na mainit na tubig para pantimpla namin sa Swiss Miss dark choco na baon ni Louie. Oo nga pala, sa 2 araw na pag-tambay namin doon tasty bread at sardinas lang ang kinain namin. Imba. Pagkatapos, Linggo ng umaga... tambay mode ulit. 11am kasi...