Posts

Trenta

Image
Sumulat ulit ako ng tula para sa iyo ngayon Isang tula para sa espesyal na okasyon Dahil lubos lubos ang aking kasiyahan Ako ay susulat ng may kalayaan Tingnan mo kung nasaan na ako Sana nakikita mo Tatlumpung taon na ang narating ko Di ko akalain aabot ako dito Na hindi ikaw ang kasama ko Halos apat na taon ka nang wala dito sa bahay Ang tahimik, nakakabingi, nakakaumay Ika-apat na beses na kaarawan ko nang wala ka At kahit papaano, salamat dahil nasanay na Di ko maipaliwanag ang gusto kong sabihin Nadarama ko ay iba't iba, kay hirap kulungin Basta ang alam ko, ay iba sana ang takbo ng araw ngayon Kung sa paggising ko ay makakasama kita sa buong maghapon Wala ka man paggising ko kaninang umaga Wala ka man ngayon para batiin ako ng 'Happy Birthday, May' Wala ka din ngayon para asarin ako bakit hindi pa din ako nag-aasawa -buntong hininga- Pero sana Pero sana talaga Sana nandito ka sa aking study table, 05/17/2...

Kunwari

07.29.2019 Nakakapagod. Hindi na ito mabuti para sa atin Nakakahingal Hindi mo na ako mahabol Hindi na rin kita maabot Dahil ang layo na natin sa isa't-isa Ang layo na rin ng puso mo mula sa tibok ng puso ko Kahit bilisan ko ang hakbang ko Kahit bilisan ko pa ang takbo ko Malabo na tayong magtagpo Baka hanggang dito na lang talaga Kailangan itigil na Ayoko na rin umulan pa Basang basa na ang aking mukha Paulit ulit na lang din tayo At wala na yatang katapusan ang gulo sa isip ko Pero sa totoo lang Kunwari lang naman lahat ng ito Kunwari na ayoko na Kunwari na suko na ako Dahil sa totoo lang Gusto ko pa Nasi ko pang subukan muli Isang pagkakataon pang muli Tatawa kasama kang muli Mangangarap kasama kang muli Dahil sa totoo lang Mahal na mahal pa rin kita

ANG MGA WALANG KUPAS NA PAYO NG ISANG INA

ANG MGA WALANG KUPAS NA PAYO NG ISANG INA Dahil araw mo ngayon at buong mundo ay nagdidiwang dahil sa kadakilaan ng isang tulad mo, para sayo ito, Ma. Kahit wala ka na dito, okay lang. Alam ko naman hindi mo na ito mababasa pero yung mga taong buhay pa yung nanay nila, baka sakaling may mapulot silang aral dito. Bago ko simulan, gusto ko lang sabihin na miss na miss na kita. Sobra. Totoo talaga na malalaman mo lang yung tunay na halaga ng isang tao o bagay kapag nawala ito sayo. At mas lalo mong malalaman anong halaga niya kapag nawala na sya ng tuluyan at di na babalik pa. Nung nakaraang taon, gumawa ako ng tula para sayo sa araw ng kaarawan ko. Apat na araw na lang, birthday ko na naman ulit. Balak ko sana na ipost ito sa birthday ko pero gusto ko na tapusin at ipost ngayon. Di ako mapakali kanina pang umaga, dahil inaalala ko lahat ng payo mo sa akin noong nabubuhay ka pa. Mga payo mo na walang kupas, panes kung panes hahaha. Ayun na nga. Sabi mo, “Ikaw, siguraduhin mong pin...

Minsan

Noong una ako ay puno ng pagdududa Noong simula ay ayoko pa talaga Noong una ay sobrang dami kong tanong Noong simula ay nakakapagtaka Subalit tinuloy ko at ako ay humakbang Minsan kasi kailangan ko din subukan At nang dumating ang kaligayahan Minsan pala ay kay sarap ding maramdaman Kaya eto, ang minsan ay napapadalas na Halos araw araw na kitang kasama Medyo kinakabahan dahil baka ikaw ay magsawa Pero tuloy tuloy lang, tuloy tuloy lang Sa susunod na kabanata ng ating kwento Sana minsan naman tumigil ang mundo Sana oras ay huminto kahit ilang segundo Total minsan lang naman lahat ng ito Isinulat ko ang tula na ito noong December 24, 2017

KWENTUHAN

Magtatanong ka Sasagot ako Magtatanong ako At sasagot ka Madami na akong nalaman, madaming natutunan Kahit parang paulit ulit lang ang ating sinasabi Bakit parang may bago at kakaibang nangyayari Hanggang sa tumahimik tayong dalawa Hanggang sa magpaalam sa atin ang isa Hanggang sa maramdaman natin na tapos na Hanggang sa oras na kailangan itigil na Ang bilis ng oras, umaga na pala Umaga na pala pero bakit parang kulang pa Sa dinami-dami ng ating napagusapan Bakit parang wala doon ang nais kong malaman? P.S. Hanggang sa susunond na kwentuhan, kaibigan. Isinulat ko ito ang tula na ito ngayong gabi, 10.22.2017.

TANONG

#Isinulat ko ang tula na ito noong October 11, 2007 Hindi ko matukoy ang ipinapahiwatig niya Kung ito ba'y pamamaalam or bagong panimula Sa hindi maintindihang palitan ng salita Na aming binibitiwan, nakakapanghina Hindi ko rin mawari kung bakit ganito Sa kabila ng pananabik ay nanlalamig ako Nais kitang makita ngunit hindi ko magawa Makapag-usap tungkol sa maraming bagay ngunit di makapagsalita Hindi ko masabi ang nais kong sabihin sa iyo Dahil reaksyon mo ang kinakatakutan ko Malamang hindi na naman tayo uusad muli Kaya tatahimik na lang at maghihintay ng tamang sandali Wala pa rin tayong nararating hanggang dito Mistulang walang katapusan ang ating paguumpisa Dahil siguro nagkulang din ako ng sobra P.S. Alaala ng isang nakakakilig na love story.

I survive Mt. Ulap

I Survive Mt. Ulap Alas 9 ng umaga. Yan ang oras na napag-planuhan namin umakyat pero nasa transient house pa din kami ng alas 8 ng umaga. Araw ng Linggo, ika-28 ng Mayo 2017. Malamig at bakas pa sa kalsada ng Session Road ang ilang oras ng buhos ng ulan sa lumipas ng magdamag. Kasama ko ang tatlong bagong kaibigan- Bengbeng, Marie at Netnet, nagdesisyon kaming pumunta na sa Brgy. Ampucao sa Benguet para magtanong kung pwde pa kaming humabol sa overnight camping sa Mt. Ulap. Humigit kumulang isang oras na byahe sa jeep mula Baguio patungong Brgy. Ampucao. Kaya humigit kumulang isang oras na tawanan, kwentuhan at paputol putol na tulog din ang ginawa namin sa byahe. .... .... .... habang nasa byahe... Ang ganda ng mga tanawin. Kahit ilang beses na akong nakakita ng bundok, iba pa rin yung pakiramdam kapag first time mo sa isang lugar. Iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam ng first time. Alam mo yan. At sa wakas narating din namin ang barangay hall. Ang kaunti na ng tao. ...